Noche buena...binasag ng ratsada ng pagputok ng armalite ang katahimikan ng gabi... kasabay ng mga yabag ng grupo ng mga taong nagmula sa kadiliman ng hatinggabi... hindi pa kami nagsisimulang kumain ng aming noche buena ay binalot na agad kami ng takot... ng pag-aalala...
"Panginoon...." bulong ko sa aking sarili...
"Allah!" narinig ko ang sigaw... tapos... putok uli ng baril...
Si tatay, isinarado nya ang pinto, habang si nanay naman ay pinatay ang gasera.
"Wag kang lalabas dito..." bulong ni tatay habang tinatakpan niya ang diban na lalagyanan ng bigas... "huwag kang maingay... kahit anong mangyari... wag kang lalabas..."
Sumilip na lamang ako sa mga siwang ng diban... tahimik na nakikiramdam ang aking mga magulang... palapit ng palapit ang mga yabag....
"Allah!" sabay tadyak sa aming tarangkahan...
Narinig kong tinadyakan ang sawali naming pinto... nanlaban si tatay.
Walang nagawa ang tatay ko... sinubukan magpaliwanag subalit nakita kong hinampas siya ng armalite... sumigaw ang nanay ko... isang putok pa at naaninag kong nakahandusay na ang aking ama... buhay pa... walang laban.... naliligo sa sariling dugo...
Nag-iiyak ang nanay ko...
Tawanan...
Maliwanag ang buwan sa labas... naaninag ko ang ginagawa nila... ... gusto kong sumigaw subalit hindi ko magawa... gusto kong tulungan ang naghihingalo kong tatay... subalit... kabilin-bilinan ni tatay na huwag akong lalabas...
"Huwag maawa kayo!" sigaw ng nanay ko... hinatak siya ng dalawang lalaking malalaki ang katawan... Pinunit ang kanyang damit... pinangibabaw at halinhinang ginagahasa....
Halakhakan... kasabay ng tunog ng mga pinggan at kutsara na nasa lamesa ang malahalimaw na ungol ng mga buhong lalaking ito... habang pinapanood ng kapwa nila tulisan ang gahasaang nagaganap... pampagana sa kanilang kinakain na bumubusog sa kanilang walang kasiyahang bituka.
"Allah!" di-ba Dyos ng kapayapaan ang dyos?
"Parang awa nyo na..." pagsusumamo ng aking ama na agaw buhay na nang sandaling iyon...
Tawanan... halakhakan....
Isa pang putok ng baril ang aking narinig... hindi ko na narinig ang tinig ng aking ama...
Patuloy na nagmakaawa ang aking ina... habang tumitirik ang mga mata ng mga nakapangibabaw sa kanya... malakas ang mga ungol... parang mga halimaw na nakikipagtalik sa isang maamo at walang kalaban-labang tupa...
Nang makaraos... iniangat nila ang mukha ng aking ina... sinampal... dinuraan...
Nanghihinang iyak na lamang niya ang aking narinig...
Isa pang putok at tuluyang natahimik ang aming bahay...
"Allah!"
Isa pang putok at tuluyang natahimik ang aming bahay...
"Allah!"